February 26, 2026 | News by PISD

26 Pebrero 2025, Lungsod ng Calapan- Personal na ipinadama ni Governor Bonz Dolor ang kanyang pagtangkilik sa mga produktong lokal na ani ng mga magsasaka sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng mismong pagbili ng sariwang gulay, prutas, at iba pang produktong agrikultural sa Kadiwa sa Kapitolyo.
Ang Kadiwa sa Kapitolyo ay isang programa ng Pamahalaang Panlalawigan na pinangungunahan ng Provincial Agriculturist’s Office (PAgO), kung saan dinadala sa Kapitolyo ang iba’t-ibang mga sariwang aning produkto tuwing araw ng Miyerkules mula 8:15 ng umaga.
Ayon sa Gobernador, ang pagsuporta sa sariling atin ay hindi lamang simpleng pagbili kundi isang konkretong pagpapakita ng malasakit at pagkilala sa sakripisyo ng ating mga magsasaka.
Samantala, patuloy ang panawagan ng Pamahalaang Panlalawigan na suportahan ang produktong lokal upang mapalakas ang kabuhayan ng mga magsasaka at patuloy itong makaambag sa pag-angat ng ekonomiya ng Oriental Mindoro.
