Blood Chemistry Testing para sa mga empleyado ng PGOM, isinagawa

February 26, 2026 | News by PISD

BLOOD CHEMISTRY TESTING PARA SA MGA EMPLEYADO NG PGOM, ISINAGAWA

26 Pebrero 2025, Lungsod ng Calapan- Muling nagsagawa ng blood chemistry testing para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) bilang bahagi ng pinalakas na programang pangkalusugan sa pamamagitan ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO).

Pinangungunahan ng mga medical technologist mula sa Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) ang pagsasagawa ng mga kinakailangang laboratory procedures upang masuri ang iba’t-ibang health indicators ng mga kawani. Kabilang sa sinusuri ang blood sugar, cholesterol, uric acid, at iba pang mahalagang parametro na makatutulong sa maagang pagtukoy ng posibleng kondisyon sa kalusugan.

Ayon sa PHRMO, layunin ng regular na programang ito na mabantayan ang kalusugan ng mga empleyado, makapagbigay ng agarang payo o interbensyong medikal kung kinakailangan, at maisulong ang kamalayan sa kahalagahan ng regular na health monitoring.

Bahagi rin ng programa ang pagbibigay ng kaukulang rekomendasyon hinggil sa wastong nutrisyon, ehersisyo, at lifestyle modification upang maiwasan ang mga sakit na may kaugnayan sa pamumuhay. Sa pamamagitan nito, inaasahang mapananatili ang produktibidad, kaligtasan, at pangkalahatang kapakanan ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

📸 PGOM-PHRMO

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GdXG9hpPf/

Scroll to Top