February 26, 2026 | News by PISD

๐ณ๐ด๐ณ ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป, ๐ง๐๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ ๐๐น๐น๐ผ๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ;
๐ต ๐ง๐ผ๐ฝ ๐ก๐ผ๐๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ๐, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ป
Umabot sa kabuuang 787 mag-aaral ang nakatanggap ng scholarship allowance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ngayong ika-26 ng Pebrero sa ilalim ng Provincial Educational Assistance Program (PEAP).
Sa kabuuang bilang ng mga benepisyaryo, 675 dito ang mga bago at dati nang iskolar ng lalawigan habang ang 112 dito ay ang Persons with Disabilities (PWDs) mula elementarya hanggang kolehiyo.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang pamamahagi kasama si Senator Erwin Tulfo na nagpakita ng kanyang suporta sa programang pang-edukasyon ng lalawigan.
Sa pagbisita ni Sen. Tulfo sa lalawigan, dala niya ang malaking opurtunidad sa mga mag-aaral na Mindoreรฑo dahil sa kanyang naging komitment sa mga ito tulad ng pagtatayo ng silid-aralan sa loob ng tatlong magkakasunod na taon, paglalaan ng pondong Php. 15M para sa mga scholars, Php. 50M para sa mga mag-aaral na kolehiyo at Php. 10M na tulong pangkabuhayan sa mga magulang ng mga mag-aaral bilang tulong pangkabuhayan.
Pinarangalan din at binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ang siyam (9) na natatanging kabataang Mindoreรฑo na naging Top Notchers sa iba’t ibang nakaraang licensure examinations bilang pagkilala sa kanilang husay, sipag, at dedikasyon.
