February 25, 2026 | News by PISD

PEBRERO 25, 2026/BARANGAY ANILAO, BONGABONG SUMAILALIM SA PHO NUTRITION TEAM MONITORING
Maliban sa personal na subaybayan ang mga gawaing pang nutrisyon ng mga BNS sa barangay na kanilang nasasakupan, kasama sa nakatakdang layunin ng monitoring ng PHO Nutrition Team ang muling ipaalala sa mga health workers at mga Nanay ang mga nararapat na pangangalaga sa mga sanggol at Nanay simula nang si baby ay mabuo sa sinapupunan ni Nanay hanggang sa maisilang at umedad ito hanggang dalwang taong gulang ang kahalagahan ng breastfeeding at makatanggap ng mga serbisyong pangnutrisyon.
Sa ginawang monitoring ngayong araw sa mga naturang gawain ng BNS sa Barangay Anilao, napag-alaman ng PHO Nutrition Team na mula sa resulta ng isinagawang operation timbang, mula sa dating bilang ng mga severely underweight ng nakalipas na huling kwarto ng taong 2025, nawala na ang kategoryang ito at naging normal weight na sila dulot na rin ng mga interbensyon mula sa pamahalaan.
Nakasama naman sa muling binigyang diin ni PHO Nutritionist Dietitian Mylene Lastimosa sa pakikipagpulong sa mga Nanay ng bata ang mga sumusunod:
– kahalagahan ng breastfeeding sa first 1000 days ni baby;
-ang deworming upang mas maging epektibo ang ginagawang pagsu-supply ng mga bitamina at supplemental feeding;
– ang pagtuturo ng handwashing sa mga bata pagkatapos maglaro at bago kumain;
-at ang pagkakaroon ng vegetable garden na susustina sa tamang nutrisyon ng bawat pamilya.
Sa pakikipagtulungan ng mga healthworkers sa mga barangay sa Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapatupad ng tamang nutrisyon, mapabibilis ang pagkamit ng lalawigan sa layuning “Nutrisyon Sapat Para sa Lahat.”
.
.
.
.
π«ππππ πππ πππππππππ ππ πΆπππππππ π΄πππ
πππ: πππππ ππ π©ππππ, π³ππππ ππ π²ππππππππππ!![]()
