February 25, 2026 | News by PISD

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at saksihan ang natatanging likhang-sining ng mga MindoreƱo sa Mina ng Hinas Art Exhibit na sumasalamin sa nakaraan, kumikilala at nagpapahalaga sa kasalukuyan at nagbibigay-inspirasyon para sa mas makulay na hinaharap.
Bukas ang Oriental Mindoro Heritage Museum sa Ibaba East sa Lungsod ng Calapan simula ngayong ika-25 hanggang ika-28 ng Pebrero upang itampok ang mga obra ng ipinagmamalaking local artist ng lalawigan.
