Mina ng Hinas Exhibit, tampok sa pagdiriwang ng Nat’l Arts Month

February 25, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—”๐—ฟ๐˜ ๐—˜๐˜…๐—ต๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐˜, ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—”๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต

25 Pebrero 2026, Lungsod ng Calapan – Ngayong National Arts Month, itinatampok ng Pamahalaang Panlalawigan ang Mina ng Hinas Art Exhibit, isang natatanging gawaing pagbibigay-buhay sa malikhaing sining at mayamang pamana ng Oriental Mindoro.

Sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office, opisyal itong binuksan ngayong ika-25 ng Pebrero at tatagal hanggang sa ika-28 ng Pebrero 2026 sa Mangyan Ballroom Hall ng Oriental Mindoro Heritage Museum, Ibaba East, Lungsod ng Calapan.

Sa temang โ€œHistory, Culture, Nature for the Futureโ€, libre sa publiko ang eksibit na nagtatampok sa iba’t ibang naggagandahang obra ng mga talentadong local artist mula sa mga bayan sa Oriental Mindoro.

Higit pa sa eksibit ang pagbibigay ng pagkilala at pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na dedikasyon ng mga local artist sa patuloy nilang ginagawang pagbibigay-buhay at pagpapayabong sa mayamang sining at kultura ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng programang ito, inaasahang higit pang mapatataas ang kamalayan ng publiko hinggil sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapatibay ng kultural na pagkakakilanlan ng lalawigan.

Maaari namang mabili ang mga obrang kasama sa eksibit bilang pagtangkilik sa gawang Oriental Mindoro na produkto ng artistikong mga kamay at malikhaing imahinasyon ng mga ipinagmamalaking local artist ng lalawigan.

Inaanyayahan naman ang publiko na makiisa at saksihan ang natatanging likhang-sining ng mga Mindoreรฑo na sumasalamin sa nakaraan, kumikilala at nagpapahalaga sa kasalukuyan, at nagbibigay-inspirasyon para sa mas makulay na hinaharap.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CNCbDCx6f/

Scroll to Top