February 25, 2026 | News by PISD

𝗖𝗛𝗥 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗵𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗲𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹𝘆𝗼
25 Pebrero 2026, Lungsod ng Calapan – Nagsagawa ng in-person education campaign ang Commission on Human Rights (CHR) Regional Office MIMAROPA sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.
Bahagi ito ng adbokasiya ng ahensya para sa patuloy na pagpapaigting ng kaalaman ng mga lingkod-bayan hinggil sa kanilang mga tungkulin bilang duty-bearers. Layon nitong tiyakin na ang pagsusulong ng karapatang pantao ay maging prayoridad sa iba’t ibang sektor ng lokal na pamahalaan.
Tinalakay ni Information Officer III Joy Estrada, ng CHR MIMAROPA Promotion and Advocacy Division, ang Basic Concepts and Principles on Human Rights.
Ipinaliwanag niya na ang karapatang pantao ay likas, hindi mananakaw, at dapat ay tinatamasa ng lahat nang walang diskriminasyon.
Bukod pa rito, tinalakay din ang iba’t ibang mga batas na nagbibigay ng mandato sa CHR.
