Unang araw ng CAPDEV Agenda 2026-2028 Workshop para sa mga tanggapan ng PGOM, nagsimula na

February 24, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Kasalukuyang nagaganap ang unang araw ng Capacity Development Agenda 2026-2028 Workshop na dinaluhan ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Layunin ng gawain na mas paigtingin ang kakayahan ng bawat departamento na magplano at magpatupad ng mga programang may kinalaman sa paghahasa ng kanilang kapasidad at kakayahan tungo sa higit pang pagpapabuti ng pagbibigay ng serbisyo sa lalawigan at sa mga mamamayan nito.

Sa unang bahagi ng pagsasanay ngayong araw, sentro ng talakayan ang dalawa sa walong modules para sa kabuuan ng aktibidad:

🟢 Context Analysis: MIMAROPA Governance Performance Benchmarks; at

🟢Capacity Assessment: MIMAROPA Capacity Inputs.

Abangan ang buong detalye ng balita.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Dd2HJEVzc/

Scroll to Top