PhilHealth YAKAP, nakaagapay sa mga nais magpacheck-up ngunit kulang sa budget

February 24, 2026 | News by PISD

NAIS MAGPA-CHECK UP SUBALIT KULANG SA BUDGET, PHILHEALTH YAKAP NAKAAGAPAY

ALAMIN ANG MGA YAKAP Clinics sa inyong lugar na magsisilbi ninyong katuwang sa pagpapa-check up at pag-aalaga ng inyong kalusugan upang maagang matukoy kung mayroon kayong karamdaman at maagapan din upang hindi na lumala pa.

Sakaling may matukoy na karamdaman, kaagad na mabibigyan ang pasyente ng kaukulang gamot upang hindi na lumala pa ang natukoy na sakit at nang maiwasan ang pagpapaospital.

Ang Philhealth YAKAP o Yaman ng Kalusugan Program ay nagbibigay ng libreng primary care, routine laboratory tests, at mga gamot.

Maliban sa mga kasapi ng Philhealth, maaari ring mabenepisyuhan ang mga dependent ng mga kasapi ng Philhealth sa pamilya tulad ng magulang na senior citizen, asawa o anak na wala pang 18 taong gulang kung babae, at walang pang 21 taong gulang kung lalaki.

Ang ๐˜๐€๐Š๐€๐ ๐‚๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐œ ay handog ng PhilHealth para sa outpatient care, kabilang ang konsultasyon, piling laboratory tests, at mga gamotโ€”isang hakbang tungo sa mas abot-kaya at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilya.

Ano nga ba ang mahahalagang benepisyo ng YAKAP Program sa mga kasapi ng Philhealth?

โ€ข Libreng Konsultasyon at Gamot: Nagkakaloob ng libreng konsultasyon at abot-kayang gamot (hanggang 75 essential medicines na malaking tulong sa pagbawas ng out-of-pocket expenses.

โ€ข Preventive Healthcare: Nakapokus sa maagang pagtukoy at pag-iwas sa sakit sa pamamagitan ng libreng laboratoryo at diagnostics (hal. CBC, X-ray, ECG, urinalysis).

โ€ข Cancer Screening: Kabilang sa mga benepisyo ang 6 na uri ng pagsusuri para sa kanser, tulad ng mammogram, ultrasound, at colonoscopy.

โ€ข Access sa Primary Care Providers: Pinalalapit ang serbisyong medikal sa komunidad sa pamamagitan ng mga akreditadong YAKAP Clinics, na mas madaling puntahan kaysa sa malalaking ospital.

โ€ข Digital Access: Mas pinadali ang serbisyo sa pamamagitan ng paggamit ng digital platforms gaya ng eGovPH app at PhilHealth Member Portal.

Sa Oriental Mindoro, alamin ang mga ๐‡๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ญ๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐‘๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐”๐ง๐ข๐ญ๐ฌ na may accredited Philhealth Yakap Clinic na nakalaang magbantay sa inyong kalusugan.

.

.

.

.

๐‘ซ๐’‚๐’‰๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’๐’–๐’”๐’–๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ถ๐’“๐’Š๐’†๐’๐’•๐’‚๐’ ๐‘ด๐’Š๐’๐’…๐’๐’“๐’: ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’š๐’‚๐’, ๐‘ณ๐’‚๐’Œ๐’‚๐’” ๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’Š๐’๐’‚๐’ƒ๐’–๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’!

#phoormin

#HealthyOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1CNN5GTPZM/

Scroll to Top