Unang araw ng pampublikong konsultasyon para sa GRA ng Real Property sa Ormin. matagumpay na naisagawa

February 19, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng pampublikong konsultasyon para sa mga residente ng Unang Distrito kaugnay ng isasagawang General Revision of Assessment (GRA) ng Real Property sa Oriental Mindoro.

Layunin ng programa na bigyang-kaalaman ang publiko ukol sa isinusulong na pagbibigay ng patas na halaga sa merkado ng mga ari-ariang di natitinag sa lalawigan na magiging epektibo sa 2028.

Mahigpit naman ang paanyaya ni Provincial Assessor Caesar A. Pangilinan, Jr. sa publiko na dumalo bukas para sa ikalawang araw ng pampublikong konsultasyon na gaganapin sa Tamaraw Hall ng Provincial Capitol mula 8:00 AM hanggang 11:00 AM upang mabigyan ng pagkakataon na masagot ang kanilang mga katanungan, lalo’t higit kung kabilang sila sa magiging apektado ng nasabing panukala.

Katuwang naman ng PAssO sa pagsasagawa ng programa ang mga Municipal Assessors sa lalawigan. Nakiisa rin sa gawain sina Board Member at Committee on Ways and Means, and Franchises Chairperson Alely Casubuan-Tan, Acting Provincial Treasurer Christine Myra Leviste at iba pang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1GQBWaMRFE/

Scroll to Top