February 19, 2026 | News by PISD

𝐀𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃𝐇𝐎𝐎𝐃 𝐂𝐀𝐍𝐂𝐄𝐑 𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐌𝐔𝐓𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀!
Sa Pilipinas, mahigit 5,000 batang Pilipino ang nasusuri na may kanser bawat taon, ngunit nananatili lamang sa 30% – 50% ang survival rate, dahil sa late detection, pagtanggi sa gamutan, o hindi natatapos ang pagpapagamot.
Ang childhood cancer ay kanser na tumatama sa mga batang nasa murang edad (edad 0 – 19 taong gulang). Kumonsulta agad kung may paulit-ulit o hindi maipaliwanag na: ⚠️ lagnat ⚠️ pasa ⚠️ bukol ⚠️ iba pang kakaibang sintomas
Magkaisa tayong lahat sa pagpapaigting ng kaligtasan at kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng mga simpleng ngunit makabuluhang hakbang. Iwasan ang yosi at vaping, at ipakita ang malasakit sa komunidad.
Pangkalusugan Gawain, Unahin ang OrMin! #DOH#DepartmentofHealth#PDOHOOrientalMindoro#HealthyOrientalMindoro
Source: https://www.facebook.com/share/v/1E9sCGY4e1/?mibextid=wwXIfr
