FHSIS Orientation sa Pinamalayan MHO, isinagawa

February 19, 2026 | News by PISD

𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 (𝐅𝐇𝐒𝐈𝐒) | 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐌𝐇𝐎) 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 | 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟏𝟗, 𝟐𝟎𝟐𝟔

Kasalukuyang isinasagawa sa 𝐌𝐇𝐎 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 ang isang orientation ukol sa 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐅𝐢𝐞𝐥𝐝 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 𝐈𝐧𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 (𝐅𝐇𝐒𝐈𝐒) 𝐈𝐧𝐝𝐢𝐜𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬 bilang bahagi ng paghahanda para sa mas pinahusay at mas episyenteng implementasyon ng mga programang pangkalusugan ngayong taon. Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kinatawan mula sa 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞, 𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐇𝐒𝐈𝐒 𝐂𝐨𝐨𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫 𝐧𝐠 𝐏𝐃𝐎𝐇𝐎.

Layunin ng orientation na 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐧𝐞𝐥 𝐡𝐢𝐧𝐠𝐠𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐢𝐧𝐚𝐤𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐝𝐢𝐜𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐰𝐚𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐅𝐇𝐒𝐈𝐒. Tinalakay ang kahalagahan ng maayos, tumpak, at napapanahong datos bilang mahalagang batayan sa pagbuo ng mga plano at pagpapahusay ng mga serbisyong pangkalusugan ng lokal na pamahalaan.

Binigyang-halaga rin ang 𝐩𝐚𝐩𝐞𝐥 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐰𝐨𝐫𝐤𝐞𝐫 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐩, 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐥𝐚, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐦𝐢𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐭𝐨𝐬 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐢𝐲𝐚𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐦𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐞𝐯𝐚𝐥𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚’𝐭 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧, kabilang ang nutrisyon at pag-iwas sa mga non-communicable diseases.

Ito ay isang hakbang sa pagpapakita ng dedikasyon sa pagbibigay ng maayos, sistematiko, at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa komunidad.

.

.

.

.

.

𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒍𝒖𝒔𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐: 𝒀𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑳𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏!💚

#phoormin

#HealthyOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AXxvpYMWk/

Scroll to Top