83 magkasintahan, lumahok sa Kasalang Panlalawigan 2026

February 18, 2026 | News by PISD

83 ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

18 Pebrero 2026, Mansalay – Opisyal nang naitalaga bilang ganap na mag-asawa ang 83 pares na lumahok ngayong taon sa Kasalang Panlalawigan na ginanap sa bayan ng Mansalay ngayong ika-18 ng Pebrero.

Sa isinagawang makabuluhang seremonya ng kasal, sabay-sabay na nagpalitan ng “I do!” ang bawat pares kalakip ang kanilang pangakong habambuhay na pagmamahalan, paggalang at pagsasama – sa hirap man o ginhawa.

Pinangunahan naman ni Acting Presiding Judge Jose C. Real, Jr. ang pagdedeklara sa kanila bilang ganap na mga mag-asawa.

Ang programang ito ay itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor sa suporta ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa pangunguna ni Bise-Gobernador Antonio CA Jojo S. Perez Jr. at ng mga Bokal ng SP mula sa una at ikalawang distrito ng lalawigan.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Mansalay, sa pangunguna nina Mayor Ferdinand Maliwanag, Vice Mayor Joel Maliwanag at Sangguniang Bayan.

Matagumpay na pinangasiwaan ang gawain ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni PSWD Officer Zarah C. Magboo, tanggapan ni SP Board Member Farah Fay Ilano-Navarro na siyang may akda ng Marriage Week Ordinance, Provincial Tourism Office, sa pangunguna ni Provincial Tourism Officer Dr. Don Stepherson V. Calda at ng mga tanggapan ng Municipal Civil Registrar ng mga bayan ng Roxas at Mansalay.

Sa ika-apat na taong pagpalatupad nito,, patuloy na natutulungang itaguyod, patatagin at palakasin ang bawat pamilyang Mindoreรฑo sa pamamagitan ng isang libreng sagradong kasal.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1C9eQmPSvK/

Scroll to Top