February 16, 2026 | News by PISD

February 09, 2026
Mindoro State University – Calapan City Campus, Masipit, Calapan City
Naging katuwang ng Mindoro State University (MinSU) – Calapan Campus ang Oriental Mindoro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa isinagawang Fire and Earthquake Drill Orientation and Demonstration bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya sa disaster preparedness at resilience.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng unibersidad hinggil sa Fire Safety and Drill Procedures, Earthquake Preparedness and Response, Proper Evacuation Protocols, at iba pang mahahalagang Emergency Measures.
Matagumpay na naisagawa ang Evacuation Drill, na nagpatunay sa kahandaan, disiplina, at aktibong pakikilahok ng komunidad ng MinSU. Nagkaroon din ng makabuluhang talakayan sa pagitan ng MinSU, PDRRMO, at BFP kaugnay ng mga rekomendasyon at mga hakbang na maaaring ipatupad upang higit pang mapalakas ang kahandaan ng paaralan sa iba’t ibang uri ng sakuna, lalo na sa lindol.
Lubos na pinahahalagahan ng PDRRMO Oriental Mindoro, sa pamumuno ni PDRRM Officer Vinscent B. Gahol, at direktiba ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, ang pakikiisa ng Mindoro State University sa pagsusulong ng kultura ng kaligtasan at disaster resilience, lalo na sa mga institusyong pang-edukasyon, tungo sa isang mas handa at matatag na lalawigan ng Oriental Mindoro.
———————————————————————————————————–
Operations and Warning Division Hotlines:
‎+(63) 948 146 0382
‎+(63) 920 951 3690
‎
Administration and Training Division
‎+(63) 916 220 1847
‎Research and Planning Division
‎+(63) 948 154 1775
