February 16, 2026 | News by PISD

“𝙆𝙪𝙮𝙖, 𝙥𝙖𝙩𝙞𝙜𝙞𝙡 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙙𝙖𝙙𝙖𝙖𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙨𝙤𝙡𝙞𝙣𝙖𝙝𝙖𝙣.”
Mga katagang madalas natin naririnig tuwing bumabiyahe araw-araw. Maliit man na problema sa ilan pero araw-araw dinadanas ng ordinaryong mamamayan.
Bilang Pamahalaan, nais nating tugunan ang pangangailangan ng ating kababayan gaano man ito kaliit o kalaki.
Pasisimulan na natin ang 𝗔𝗻𝗴 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗥𝗲𝘀𝘁 𝗦𝘁𝗼𝗽 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗼𝘂𝘃𝗲𝗻𝗶𝗿 𝗦𝗵𝗼𝗽 (𝗧𝗥𝗔𝗦𝗦) sa bayan ng Bongabong. Ang TRASS ang magsisilbing pahingahan, kainan at bilihan ng mga manlalakbay sa lalawigan. Dito, maipapakita at maipaparanas natin ang makulay na kultura at kagawian ng ating lalawigan sa mga turista at lokal.
Ang proyektong ito sa tulong ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) at Pamahalaang Lokal ng Bongabong sa pangunguna ni Mayor Mike Malaluan ay sumisimbolo sa kultura, tao at kinabukasan ng ating lalawigan.
