February 15, 2026 | News by PISD

๐ญ๐ฏ๐ณ ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ฒรฑ๐ผ๐, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ถ๐ฐ ๐๐ป๐ด๐น๐ถ๐๐ต ๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด
15 Pebrero 2026, Lungsod ng Calapan – Opisyal nang nagsipagtapos ngayong araw ang 137 mag-aaral mula sa Batch 2025 na sumailalim sa Basic English Language Proficiency Training ng Language Skills Institute (LSI) Oriental Mindoro.
Sa temang โSustained Growth Rooted in the Past, Reaching for the Futureโ, kinilala sa seremonya ng pagtatapos ang mga sumusunod na Top Performers mula sa apat na Batch:
Mark Jecer A. Gonzales โ BELL BATCH 25-2;
Jelina Elise M. Muhi โ BELL BATCH 25-3;
Ma. Leah M. Bantigue โ BELL BATCH 25-3;
Jinky Marie C. Arevalo โ ACCENTO BATCH 25-1; at
Jeff Reynard G. Calderon โ ACCENTO BATCH 25-2.
Isa lamang ang Basic English Language Proficiency Training sa mga pagsasanay na inihahandog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng LSI. Pinangangasiwaan ito ni LSI Manager Olivia S. Palomar na naglalayong mahasa ang kasanayan ng mga mamamayan sa paggamit ng wikang English na mahalagang hakbang para sa kanilang propesyunal na pag-unlad.
Kasabay nito, sa pakikipag-ugnayan sa RSKYE na isang training at placement agency na nagbibigay ng English as Second Language (ESL) Training, ipinakilala rin dito ang pinaplanong pagtatayo ng MAHALTANA Learning Management System. Isa itong mahalagang hakbang upang makapagbigay ang LSI ng International Certifications tulad ng IELTS, TEFL at TESOL para sa Oriental Mindoreรฑos.
Dumalo naman sa programa ang mga miyembro ng Program Management Committee na sina Vice Governor Atty. Jojo S. Perez, Jr. at Acting Provincial Treasurer Myra D. Leviste, kasama ang partner agencies at institutions ng LSI kabilang na ang DICT, TESDA, MINSU, DWCC, DEPED Calapan, DEPED OrMin., at Learn at Fligno.
Source: https://www.facebook.com/share/p/17VziXwWNy/?mibextid=wwXIfr
