February 13, 2026 | News by PISD

๐ฉ๐ผ๐ฏ๐จ๐ ๐จ๐ ๐ท๐จ๐ต๐จ๐ณ๐ถ, ๐ฒ๐จ๐ท๐จ๐ฎ ๐ท๐ณ๐จ๐ต๐จ๐ซ๐ถ!
Sa inisyatibo ng Provincial Health Office of Oriental Mindoro, katuwang ang Department of Health (DOH), isinagawa ang libreng Bilateral Tubal Ligation and Vasectomy sa Oriental Mindoro Central District Hospital (OMCDH) noong Martes, February 3, 2026.
Sa pagbisita ng Mobile Surgical Bus sa ating bayan, ilan sa ating mga kababayan mula sa ibaโt ibang bahagi ng lalawigan ang nabigyan ng pagkakataong sumailalim sa libreng ligation at vasectomy procedure. Layon ng programang ito na makatulong sa responsableng pagpapamilya at mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng mga kababaihan.
Kasama ang mga kinatawan ng DOH at ang mga kawani ng OMCDH, matagumpay na naisakatuparan ang buong proseso mula sa initial screening, triage, briefing, ligation procedure, hanggang sa post-recovery care, upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng bawat pasyente.
Patuloy ang OMCDH, PHO, at DOH sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan na libre, abot-kamay, at may malasakit para sa bawat Mindoreรฑo. Dahil ang isang malusog na mamamayan, ang siyang tunay na pag-asa ng bayan!
