Iba’t ibang mga bayan sa Oriental Mindoro, itinanghal bilang Highly Functional ADAC Implementers ng DILG MIMAROPA

February 13, 2026 | News by PISD

𝗜𝗯𝗮’𝘁 𝗶𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼, 𝗜𝘁𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗛𝗶𝗴𝗵𝗹𝘆 𝗙𝘂𝗻𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝗗𝗔𝗖 𝗜𝗺𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿𝘀 𝗻𝗴 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔

Kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – MIMAROPA ang mga bayan ng Naujan, Victoria, Pinamalayan, Gloria, Bongabong, Mansalay at Bulalacao bilang Highly Functional Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Impementer para sa taong 2025 dahil sa naging maigting at tuluy-tuloy na kampanya laban sa paggamit at pagbebenta ng illegal na droga.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng epektibong pagpapatupad ng mga programa ng mga nabanggit na bayan, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) at iba pa.

Epektibong naipatupad ng mga bayang ito ang anti-illegal programs sa kani-kanilang nasasakupan, ang pagpapalakas ng preventive education, monitoring, rehabilitasyon, at patuloy na pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at sektor ng lipunan upang matiyak ang isang ligtas at maayos na komunidad para sa lahat.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/18npffYx4M/

Scroll to Top