February 12, 2026 | News by PISD

𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗽𝗲 𝗻𝗴 𝗖𝗶𝘃𝗶𝗹 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗨𝗻𝗶𝘁, 𝗡𝗮𝗻𝘂𝗺𝗽𝗮
Pormal nang nanumpa si retired PLTCOL Catalino P. Batulayan Jr. bilang bagong hepe ng Civil Security Unit (CSU) ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong ika-12 ng Pebrero sa harap ni Gobernador Humerlito “Bonz” A . Dolor.
Sa kanyang panunumpa, kaakibat nito ang panibagong malaking responsibilidad na nakaatang sa kanya bilang hepe ng CSU.
Asahan aniya ang maayos at sinsero niyang pagtupad sa tungkulin lalong higit sa pagsiguro sa kaligtasan at seguridad ng bawat empleyado pati na rin ang pangangalaga sa mga ari-arian ng Pamahalaang Panlalawigan.
Nagpahayag naman siya ng taus-pusong pasasalamat kay Gob. Dolor sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya upang pamunuan ang CSU.
