February 11, 2026 | News by PISD

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢: Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa mahigpit na pagbabawal ng paggamit ng mga sasakyang pagmamay-ari ng pamahalaan tuwing Sabado, Linggo at holidays maliban na lamang kung ito ay may kaugnayan sa opisyal na transaksyon o gawain ng mga tanggapan. ![]()
![]()
![]()
Ito ay nakasaad sa inilabas na Memorandum Circular No. 2026-011 ng DILG kamakailan.
Samantala, ang mga mapatutunayang lumabag dito ay mahaharap sa kasong administratibo at kriminal base sa mga umiiral na batas at patakaran.
Para sa kopya ng DILG Memorandum Circular No. 2026-011, i-click lamang ang link na ito
https://drive.google.com/…/1-imbzBC2bsM2… .
Source of Info: DILG
