February 11, 2026 | News by PISD


๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐๐จ
Pebrero 10, 2026
Bulalacao, Oriental Mindoro.
Bumisita ang Provincial Agriculture Office Staff (PAgO) kina Bulalacao Mayor Lumelito Cabagay at Municipal Agriculturist Rommel De Guzman upang talakayin ang gaganaping Capacity Building and Consultation on Onion Value Chain Development sa bayan ng Bulalacao. Bahagi ng gawaing ito ang presentasyon ng Onion Industry Roadmap na binalangkas ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang pamahalaang bayan sa pamamagitan ng Municipal Cooperative Development Office at ng Municipal Agriculture Office ng Bulalacao at ang mga concerned National Government Agencies, MINSU at pribadong sektor tulad ng Bulalacao Onion Industry Development Council.
Layunin ng pagpupulong na higit pang mapalakas ang ugnayan at co-implementation/partnership ng pamahalaang nasyunal, panlalawigan at pamahalaang bayan sa pagpapatupad ng naturang aktibidad, na nakatuon sa pagpapaunlad ng buong value chain ng sibuyas mula produksyon hanggang marketing.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang PAgO kasama ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng monitoring sa mga onion production areas sa Bulalacao. Sinuri ang mga taniman ng pulang sibuyas at puting sibuyas upang matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng produksyon at magsilbing batayan sa mga planong pagsasanay at suporta sa mga magsasaka.
Ang nasabing gawain ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang bayan na palakasin ang industriya ng sibuyas sa Oriental Mindoro at mapabuti ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka. Matatandaang ang Oriental Mindoro ay pawalo (8th) sa onion producing provinces ng bansa.
