Iwasan ang Tigdas, mga batang wala pang limang taong gulang pabakunahan

February 11, 2026 | News by PISD

𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐈𝐆𝐃𝐀𝐒 𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐇𝐀𝐇𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓!❗️❗️

Pabakunahan agad ang inyong anak edad 6-59 buwang gulang (wala pang 5 taong gulang) sa mga vaccination site upang maiwasan at maprotektahan sila sa Tigdas.

Madaling kumalat ang Tigdas sa komunidad, kaya magbantay sa mga sintomas na ito:

✅ Sipon o coryza

✅ Pamumula ng mata o conjunctivitis

✅ Ubo o cough

✅ Mapupulang pantal o rashes

✅ Lagnat

Mapakonsulta agad sa pinakamalapit na Health Center upang maagapan ang komplikasyon ng Tigdas.

Pangkalusugan Gawain, Unahin ang OrMin!

#DOH

#DepartmentofHealth

#PDOHOOrientalMindoro

#HealthyOrientalMindoro

Source: https://www.facebook.com/share/p/191aC7mJ9w/

Scroll to Top