February 10, 2026 | News by PISD

๐ฃ๐ฃ๐-๐ฃ๐ ๐ข ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ, ๐ฝ๐๐๐ฝ๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ด๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ฒ๐ฟ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฒ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ฎ
10 Pebrero 2026, Lungsod ng Calapan – Maagap at puspusan na ang paghahanda ng Philippine Ports Authority (PPA) Port Management Office (PMO) – Mindoro upang makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo sa mga byahero sa darating na Semana Santa ngayong taon.
Sa ngalan ng kanilang ahensya, ito ang tiniyak ni PPA-PMO Media Relations Officer Niko Acedera sa Kapihan sa Oriental Mindoro ng Philippine Information Agency (PIA) MIMAROPA.
Patuloy ang pagpasasaayos at pagpapalawak ng ahensya ng kanilang mga pasilidad upang magkaroon ng mas malaking kapasidad na tumanggap ng maraming bilang ng mga pasahero tuwing holiday season.
Epektibo na rin ang โNo leave Policyโ tuwing peak season sa mga kawani ng PPA-PMO upang matiyak na buong pwersa nilang matutugunan ang mga pangangailangan ng mga dadagsang pasahero.
Aniya pa, mas pinaiigting nila ang koordinasyon sa ibaโt ibang ahensya upang makapagsagawa ng mas organisadong pagpaplano para mas maging maayos ang pagtanggap ng mga pasahero, at maibigay ang mas ligtas at mas kumportableng serbisyo habang nananatili ang mga byahero sa Passenger Terminal, partikular sa Calapan Port.
Biniyang-linaw rin ni MRO Acedera na bagamaโt hindi sakop ng PPA-PMO ang ticket fair at pagdadagdag ng bilang ng mga barkong bumibyahe, mahigpit ang kanilang panawagan sa Maritime Industry Authority (MARINA) at mga shipping lines para sa karagdagang byahe ng mga barko, laloโt higit tuwing panahon na laging may naitatalang mataas na bilang ng mga pasahero.
