TRASS sa Bongabong, pasisimulan na

February 9, 2026 | News by PISD

𝗧𝗥𝗔𝗦𝗦 𝘀𝗮 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗮𝗯𝗼𝗻𝗴, 𝗣𝗮𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮

9 Pebrero 2026, Bongabong – Bilang bahagi ng patuloy na komitment ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, katuwang ang Tourism Infrastructure and Economic Zone Authority (TIEZA), na maitiyak na maginhawa at maganda ang karanasan ng bawat turista sa lalawigan, isinagawa ang groundbreaking ng Tourist Rest Stop and Souvenir Shop (TRASS) sa Barangay Sagana, Bongabong ngayong ika-9 ng Pebrero.

Ang proyektong ito ay batay sa Provincial Ordinance No. 172-2024 o ang TRASS Ordinance na naglalayong magtatag ng mga pasilidad na magiging pansamantalang pahingahan ng mga lokal at dayuhang turista sa lalawigan.

Ito ang pinakamalaking TRASS sa lahat ng ipinatatayo ng Pamahalaang Panlalawigan na kung saan maaari rin itong maging sentrong pangturismo na kung saan makapamimili ang mga turista ng mga ipinagmamalaking lokal na produkto na sumasalamin sa pagkakakilanlan ng lalawigan.

Itatayo ito sa 5,000 metro kwadradong lupa ng Pamahalaang Bayan ng Bongabong na pormal na ring nai-donate ni Mayor Michael Malaluan at ng kanilang Sangguniang Bayan upang masimulan na ang pagpapagawa nito sa lalong madaling panahon.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ak8ZxEYX1/

Scroll to Top