February 9, 2026 | News by PISD

JUST IN | Pebrero 9, 2026 #WalangPasokSaPreSchoolatElementarya
Dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong ulan, kanselado ang klase mula PRE-SCHOOL hanggang ELEMENTARYA sa ating bayan. Ang desisyong ito ay batay sa rekomendasyon ng POLA MDRRMO.
Ipinapaabot po namin ang aming paumanhin sa hindi agarang pagsuspinde ng klase, sapagkat may mga itinakdang protocol at patakaran na sinusunod sa pagsasagawa nito. Gayunman, kung sa palagay po ng mga magulang ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga mag-aaral ang pagpasok sa paaralan, nakasaad po sa ating polisiya ang pagpapasya (discretion) ng mga magulang.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
