February 9, 2026 | News by PISD

Tingnan: Dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng PDRRMO sa MDRRMO Naujan at MDRRMO Victoria, nagpadala ng karagdagang tulong ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ng PDRRMO at PEO para sa mga kababayan nating nais tumawid ng Mabini, Victoria hanggang Curva, Naujan.
Kasalukuyang dalawang dump truck, isang ambulance at pick up at rescue team ng PDRRMO ang nakadeploy sa kalsadang binaha sa Bayan ng Naujan at Victoria, bukod pa rito ang mga sasakyan at DRRMO na umaalalay din mula sa LGU Naujan at Victoria.
