Pasok sa lahat ng antas sa Victoria, kanselado

February 9, 2026 | News by PISD

WALANG PASOK SA BAYAN NG VICTORIA, EPEKTIBO ALAS-12 NG TANGHALI SA ILALIM NG EO NO. 8, 2026

9 Pebrero 2026, Victoria – Ipinatupad ang Executive Order (EO) No. 8, Series of 2026, na nagsususpinde sa lahat ng klase sa lahat ng antas at trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Bayan ng Victoria ngayong Pebrero 9, 2026, epektibo alas-12:00 ng tanghali.

Ang kaligtasan ng mamamayan ang pangunahing layunin ng agarang pagpapatupad ng naturang EO.

Ang kautusan ay inilabas ng Pamahalaang Bayan bilang agarang tugon sa malawakang pagbaha sa iba’t- ibang lugar sa kanilang bayan na dulot ng shearline.

Ayon sa Executive Order, saklaw ng suspensyon ang pampubliko at pribadong paaralan, gayundin, ang tanggapan ng pamahalaan sa loob ng nasasakupang bayan.

Kasabay ng pagpapatupad ng kautusan, pinaaalalahanan ang publiko na manatiling mapagmatyag, limitahan ang paglalakbay, at sumunod sa mga opisyal na abiso mula sa lokal na pamahalaan at disaster’s unit.

I-click ang link sa comment section sa orihinal na post ng LGU Victoria ukol dito.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1BuGupCSf4/

Scroll to Top