Mahigit P5M halaga ng proyektong imprastraktura, handog ng PGOM sa mga kabataang Bongabonense

February 9, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฃ๐—ต๐—ฝ. ๐Ÿฑ๐—  ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜†๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐—›๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ

09 Pebrero 2026, Bongabong – Pormal na pinasinayaan ang Php. 2.2 M halaga ng Youth Center sa barangay Sagana, Bongabong ngayong ika-9 ng Pebrero na pinangunahan nina Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor, Mayor Michael Malaluan at Kapitan Edgar Valdez.

Gayundin, isinagawa ang groundbreaking ng Youth Gymnasium na nagkakahalagang Php. 3.5 M na itatayo sa likod ng Youth Center.

Sa ngalan ng mga kabataan ng bayan ng Bongabong, lubos ang naging pasasalamat ni Barangay Sagana SK Chairperson Mayven P. Gabia dahil hindi na aniya nila kailangan pang manghiram ng pasilidad upang magdaos ng mga pagpupulong at iba pang mahahalagang gawain ng mga kabataan.

Ang mga proyektong ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa kagalingan ng bawat kabataang Mindoreรฑo.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/15eoT3sXwMg/

Scroll to Top