Libreng legal advice, handog ng PGOM sa Oil Spill Claimants

February 9, 2026 | News by PISD

๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฒ๐—ด๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐—ฑ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—š๐—ข๐—  ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ถ๐—น ๐—ฆ๐—ฝ๐—ถ๐—น๐—น ๐—–๐—น๐—ฎ๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐˜€

09 Pebrero 2026, Lungsod ng Calapan – Libreng legal na payo mula sa mga abogado sa lalawigan ang inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro (PGOM) sa isinagawang Oil Spill Claimantsโ€™ Caravan ngayong araw.

Sa pangunguna ng Provincial Administratorโ€™s Office na pinamumunuan ni Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II katuwang ang Integrated Bar of the Philippines, layunin ng programa na tulungan ang mga apektadong mangingisda at fish vendors ukol sa pagpoproseso sa husgado ng kanilang haing reklamo kaugnay sa nangyaring oil spill.

Isa-isang sumailalim sa konsultasyon ang mga nasabing claimants kaharap ang mga inimbitahang abogado, kabilang ang mga abogadong kawani ng Pamahalaang Panlalawigan.

Samantala, ang mga hindi naman nakadalo sa nasabing programa at nagnanais pa ring ipagpatuloy ang paghahain ng kaso sa husgado ay maaaring magtungo sa Provincial Legal Office upang mabigyan ng tulong ukol sa pagpoproseso nito.

Nagpaalala naman si PA Turano sa mga residente na kinakailangang mayroong hawak na letter of denial o letter of partial payment mula sa IOPC ang mga claimants bago magtungo sa nasabing tanggapan sapagkat kinakailangan ito upang maproseso ang kanilang claims.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1AzU6CtphJ/

Scroll to Top