Bongabong TODA Multi-purpose building sa Bongabong, pasisimulan na

February 9, 2026 | News by PISD

𝗕𝗼𝗻𝗴𝗮𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗢𝗗𝗔 𝗠𝘂𝗹𝘁𝗶-𝗽𝘂𝗿𝗽𝗼𝘀𝗲 𝗯𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮

09 Pebrero 2026, Bongabong – Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at kaniyang maybahay Hiyas Govinda Ramos Dolor katuwang sina Bongabong Mayor Michael Malaluan at mga myembro ng Sangguniang Bayan, ang groundbreaking ceremony ng itatayong Php 1.6 M Multi-purpose Building ng Bongabong TODA sa Barangay Sagana.

Kasabay ito ng isinagawang groundbreaking ceremony ng Tourist Rest Stop and Souvenir Shop (TRASS) sa naturang bayan.

Ayon kay Governor Bonz, mahalaga ang papel na ginagampanan ng TODA sa pagkakaroon ng maayos na transportasyon sa isang bayan. Aniya pa, nasa stratehikong lugar ang pasisimulang Bongabong TODA terminal dahil ito ang magiging pangunahing transportasyon ng mga turista kapag operational na ang itatayong TRASS sa naturang lugar. Sinisikap din, aniya, ng kaniyang pamunuan na maipagawa ang lahat ng TODA terminal sa lahat ng bayan sa lalawigan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ExtN35NpP/

Scroll to Top