Sa bawat ngiti at tiig, Couple’s Retreat, naghatid ng kilig

February 7, 2026 | News by PISD

๐’๐š ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐ ๐ข๐ญ๐ข ๐š๐ญ ๐“๐ข๐ญ๐ข๐ , ๐‚๐จ๐ฎ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฌโ€™ ๐‘๐ž๐ญ๐ซ๐ž๐š๐ญ, ๐๐š๐ ๐ก๐š๐ญ๐ข๐ ๐ง๐  ๐Š๐ข๐ฅ๐ข๐ !๐Ÿ’’๐Ÿฉท

07 Pebrero 2026, Roxas โ€“ Naging makulay, makahulugan, at puno ng puso ang isinagawang Couplesโ€™ Retreat Dinner Date ngayong gabi sa bayan ng Roxas bilang pasimulang bahagi ng Marriage Week 2026.

Nagtipon ang 57 pares ng mag-kasintahan upang higit na palalimin ang kanilang samahan at pagtibayin ang ugnayan ng bawat pamilya.

Sa pagtutulungan ng tanggapan nina Sangguniang Panlalawigan Board Member Farah Fay Ilano-Navarro, PSWD Officer Zarah C. Magboo, Provincial Tourism Office, at Office of the Governor-Public Information Services Division, matagumpay na naisagawa ang makabuluhang gawain at pagkakataon para sa bonding, pagninilay, at pagpapalakas ng komunikasyon ng mga magkasintahan.

Layunin ng aktibidad na patatagin ang pundasyon ng pamilya bilang mahalagang haligi ng komunidad at ng buong lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa ika-18 ng Pebrero, mas paiigtingin ang pagmamahalan sa isasagawang seremonya ng kasal sa Mansalay, na higit na magpapatibay sa kanilang pagiging opisyal na mag-asawa.

Source: https://www.facebook.com/share/p/17utxywhFV/

Scroll to Top