February 7, 2026 | News by PISD

TINGNAN: Isang daang libong piso mula sa Pamahalaang Panlalawigan ang personal na ipinagkaloob ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor kay Nanay Rosario “Rosing” Macaraig sa pagdiriwang ng kaniyang ika-100 kaarawan ngayong araw na ginanap sa Brgy. Tacligan, San Teodoro.
Katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinamumunuan ni PSWD Officer Zarah C. Magboo, Oriental Mindoro Senior Citizens’ Federation, at si San Teodoro Mayor Karen Ponce-Miranda, iginawad rin kay Nanay Rosing ang Sertipiko ng Pagkilala na tanda ng kaniyang malaking kontribusyon sa komunidad bilang isa sa mga nakatatandang residente ng Oriental Mindoro.
