February 7, 2026 | News by PISD

“Masustansyang gulay para sa mahabang buhay”
Ito ang naging sikreto ni Nanay Lorenza Bautista upang makatungtong sa edad 100 taon matapos ang kaniyang kaarawan noong ika-25 ng Nobyembre 2025.
Si Nanay Lorenza ang ikatlong centenarian na binisita ngayong araw ni Gobernador Dolor sa tahanan nito sa Brgy. Balingayan, Lungsod ng Calapan upang ihatid ang Php100K at Sertipiko ng Pagkilala.
Ito ay simbolo ng pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan sa kaniyang kontribusyon bilang ulirang nakatatanda at natatanging Oriental Mindoreño.
