February 6, 2026 | News by PISD

₱2 𝐌𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐭𝐢, 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧
06 Pebrero 2026, Lungsod ng Makati – Tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang ₱2,000,000 financial assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati, ika 05 ng Pebrero 2026.
Tinanggap ang nasabing financial assistance ni Acting Provincial Treasurer Christine Myra Leviste mula kay Makati City Mayor Nancy Binay bilang suporta sa patuloy na pagbangon ng lalawigan mula sa mga pinsalang dulot ng mga kalamidad.
Ito ay bahagi ng pakikiisa at malasakit ng Pamahalaang Lungsod ng Makati sa mga komunidad na naapektuhan at nangangailangan ng rehabilitasyon at ayuda.
Mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan sa panahon ng pagsubok upang mas mapabilis ang paghahatid ng serbisyo at tulong sa mga mamamayan.
Photo courtesy: Ms. Christine Myra Leviste
