Legal Caravan para sa Oil Spill claimant, isasagawa sa Kapitolyo

February 6, 2026 | News by PISD

Mga kababayan,

Tatlong taon na po ang nakakalipas mula noong lumubog ang MT Princess Empress at nakaranas tayo ng Oil Spill. Bukod sa pagpapanumbalik sa ating karagatan, sinikap natin na matulungan ang ating mga kababayang naapektuhan na makakuha ng kaukulang kompensasyon.

As of January 31, 2026 may natanggap na humigit kumulang na 37, 807 na mga claimants mula sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro kung saan mga 35,000 Claimants na ang nabayaran sa kabuuang halaga na ₱ 2.7 bilyong piso.

Ayon sa patakaran, hanggang Pebrero 28, 2026 na lamang maaaring magsumite ng claims ang mga naapektuhan. Samantalang ang mga denied claims ay maaaring magsumite ng asunto sa Regional Trial Court.

Kaugnay nito, at para maagapayan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga natitira pa nating kababayan na hindi pa nakakapagclaim, o mga nais magsampa ng asunto sa RTC, magkakaroon ng LEGAL CARAVAN sa Kapitolyo ngayong Pebrero 9, 3pm sa Bulwagang Panlalawigan.

Inaanyayahan natin ang lahat ng mga abogadong kasapi ng Sangguniang Panlalawigan na makilahok sa LEGAL CARAVAN at MAGREPRESENTA SA MGA CLAIMANTS sa posibleng asunto sa Korte.

Maraming salamat po!

Source: https://www.facebook.com/share/p/1SmLmEm7QK/

Scroll to Top