Taunang maintenance sa Malampaya Gas pipeline, isisnagawa ngayong Pebrero

February 4, 2026 | News by PISD

𝐓𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐦𝐩𝐚𝐲𝐚 𝐆𝐚𝐬 𝐏𝐢𝐩𝐞𝐥𝐢𝐧𝐞, 𝐈𝐬𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨

Nakatakdang sumailalim sa inspeksyon at maintenance activity ang Malampaya Gas Export Pipeline ngayong buwan ng Pebrero.

Sa isang opisyal na liham na ipinadala kay Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor, ipinaliwanag na ang gawain ay bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP) upang mapanatili ang maayos at ligtas na operasyon ng mga subsea assets ng Malampaya.

Narito ang mga detalye:

Pebrero 1 -13

Inspeksyon ng Malampaya’s pipeline sa Batangas, Eastern at Southern coasts ng Oriental Mindoro at North Palawan

Pebrero 13 – 20

Pagsusuri ng structural assets sa Northwest Palawan

Pebrero 21 – 28

Pagsasaayos at pagpapatatag ng mga bahagi ng pipeline (spanning sections) sa Batangas, Eastern at Southern coasts ng Oriental Mindoro at North Palawan

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/17wsXyGEtj/

Scroll to Top