Market Linkage Caravan, isinagawa sa Merit, Victoria

February 4, 2026 | News by PISD

πŒπ€π‘πŠπ„π“ π‹πˆππŠπ€π†π„ 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍

Nagsagawa ang Provincial Agriculturist’s Office (PAgO), katuwang ang Department of Agriculture – Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), ng Market Linkage Caravan noong Pebrero 3, 2026, sa Provincial Demonstration Farm, Brgy. Merit, Victoria.

Dinaluhan ang aktibidad ng 48 na magsasaka, mga Farmers Associations at Cooperatives, Agricultural Extension Workers, at mga Municipal Agriculturists. Kasama rin dito ang walong ( 8 ) institutional buyers, kabilang ang Jamla Corporation, R. Rodriguez Non-specialized Wholesale Trading, Berroya Corporation, LMercado Agri Farms, JNRM Group of Companies, KLT Fruits, Inc., Global Organic and Wellness Corporation, at Dry Tech Manufacturing Corporation.

Nagpresenta ang mga institutional buyers ng kanilang demand requirements at product specifications. Ipinahayag nila ang kasiyahan sa direktang pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka, dahil anila mas fulfilling at rewarding ang karanasan kapag direktang nakakausap ang mga magsasaka.

Matapos ang presentasyon, nagkaroon ng one-on-one consultations ang mga magsasaka sa mga buyers, kung saan nagkaroon sila ng pagkakataong magtanong at makipag-ugnayan para sa mga posibleng partnership.

Ipinahayag ng maraming magsasaka ang kanilang kasiyahan at pasasalamat, sapagkat ang aktibidad ay malaking tulong sa pagpapalawak ng kanilang market at pagtitiyak ng mas matatag na kita.

Ang Market Linkage Caravan ay nagsilbing mahalagang hakbang upang paglapitin ang mga magsasaka sa merkado at suportahan ang pangmatagalang pag-unlad ng agrikultura sa Oriental Mindoro.

Source: https://www.facebook.com/share/p/16izptnAet/

Scroll to Top