Bagyong Basyang, inaasahang lalakas bilang Tropical Storm

February 4, 2026 | News by PISD

Bagyong Basyang inaasahang lalakas bilang Tropical Storm ngayong hapon o gabi.

Ang Bagyong Basyang ay nananatili ang lakas habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na humigit kumulang 15 km/h. Patuloy nitong gumaganda ang sirkulasyon at organisasyon ng mga ulap habang papalapit sa silangang bahagi ng Mindanao.

🔹 Forecast Track at Lakas

Batay sa kasalukuyang forecast track, inaasahang kikilos ang bagyo pa-kanluran hanggang kanlurang timog kanluran bago ito tuluyang kumilos pa hilagang-kanluran. Inaasahang lalakas ito bilang tropical storm ngayong hapon o gabi habang nasa silangan ng Mindanao. Posibleng mag-landfall ang bagyo sa Northern Mindanao sa mga madaling-araw ng Biyernes.

Matapos ang landfall, tatawid ang bagyo sa hilagang-silangang Mindanao at dadaan sa Central at Western Visayas, bago muling lumabas sa Sulu Sea pagsapit ng Linggo. Sa Linggo ng hapon, inaasahang tatawid ito sa hilagang bahagi ng Palawan, bago muling lumabas sa West Philippine Sea.

Inaasahang hihina at malulusaw ang bagyo habang nasa west philippine sea, bagama’t may ilang models na nagpapahiwatig ng mas maagang paghina habang nasa loob ng Pilipinas dahil sa epekto ng Amihan surge.

🔹 Mga Inaasahang Epekto

Inaasahang magdadala ang Bagyong Basyang ng maulan hanggang malakas na pag-ulan sa silangang bahagi ng Mindanao at Visayas sa loob ng susunod na 24 oras. Posibleng maging masungit ang lagay ng panahon pagdating ng weekend dahil sa inaasahang pag-landfall nito sa Mindanao. Maaari rin itong magdulot ng epekto sa Southern Luzon.

May banta ng pagbaha, pagguho ng lupa, malalakas na hangin, at mapanganib na kondisyon sa karagatan, partikular sa mga baybaying lugar at hilagang-silangang baybayin ng Mindanao.

⚠️ Paalala: Hindi opisyal ang update na ito. Patuloy na sumangguni sa PAGASA para sa mga opisyal na abiso, warnings, at forecast.

Philippine Weather

February 4 2026, 3:30 PM

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HKSbFxBUK/

Scroll to Top