Alagaan ang Puso: Mga simpleng hakbang para sa malusog na buhay

February 4, 2026 | News by PISD

𝘼𝙡𝙖𝙜𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙪𝙨𝙤: 𝙈𝙜𝙖 𝙎𝙞𝙢𝙥𝙡𝙚𝙣𝙜 𝙃𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙈𝙖𝙡𝙪𝙨𝙤𝙜 𝙣𝙖 𝘽𝙪𝙝𝙖𝙮 ❤

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Heart Month, isinagawa ang pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon ukol sa pangangalaga at pag-iwas sa sakit sa puso.

Ang puso ay isang mahalagang bahagi ng katawan na nagsisilbing pangunahing organ sa pagpapadaloy ng dugo at tumutulong sa pag-regulate ng blood pressure. Ayon sa mga ulat, ang sakit sa puso at altapresyon ay patuloy na kabilang sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa.

Gayunpaman, ang mga sakit na ito ay maaaring maiwasan at ang panganib ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malusog na pamumuhay, tulad ng mga sumusunod:

• Pagsunod sa tamang nutrisyon batay sa Pinggang Pinoy

• Regular na physical activity, hindi bababa sa 150 minuto ng moderate-intensity exercise kada linggo

• Pag-iwas sa paninigarilyo, labis na pag-inom ng alak, at paggamit ng ipinagbabawal na droga

• Pagkakaroon ng sapat na pahinga at tulog

• Regular na pagpapasuri upang mamonitor ang blood pressure at cholesterol

Ang mga simpleng hakbang sa araw-araw na buhay ay malaking tulong upang magkaroon ng malusog at masayang puso.

💖 Alagaan ang puso, alagaan ang buhay.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DQuntLCZc/

Scroll to Top