Mas disiplinadong pagtatapon ng basura, isinusulong sa mga kawani ng Kapitolyo

February 3, 2026 | News by PISD

๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ, ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜๐—ผ๐—น๐˜†๐—ผ

03 Pebrero 2026, Lungsod ng Calapan – Mas malinis at ligtas na kapaligiran sa Kapitolyo sa pamamagitan ng mas pinahigpit na pagpapatupad ng wastong pagtatapon ng basura.

Ito ang binigyang-diin sa Meeting-Cum-Orientation on Solid Waste Management na ginanap sa Tamaraw Hall ngayong araw.

Kasabay ng paggunita sa Zero Waste Month noong Enero, isinagawa ang programa na may temang โ€œInvest in ZERO wasteโ€ upang bigyang-kaalaman at hikayatin ang mga kawani ng bawat tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na higit pang pag-ibayuhin ang wastong pamamahala ng basura, alinsunod sa ipinatutupad na solid waste management system protocol ng PGOM.

Sa pangunguna ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) na pinamumunuan ni PGDH-PG-ENRO EnP Lily May E. Lim, kabilang sa tinalakay rito ang tamang segregasyon o paghihiwalay ng basura at recycling programs na mahahalagang salik upang maisakatuparan ang โ€˜zero wasteโ€™ sa kapitolyo.

Gayundin, nanawagan si EnP Lim na patuloy na maging responsable sa pamamahala ng solid waste na bahagi rin ng sinumpaang tungkulin na paglilingkod sa bawat Mindoreรฑo.

#thecapitolnews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1Ag5BrwfKL/

Scroll to Top