February 3, 2026 | News by PISD

๐ญ๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ซ๐๐๐ ๐ฝ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ง๐ฎ๐๐ซ๐ฒ ๐๐-๐๐, ๐๐๐๐
Isinagawa ng mga kawani ng Oriental Mindoro Provincial Health Office (PHO) ang 1st Quarterly Data Validation and Monitoring of Health Facilities noong Enero 27โ30, 2026 bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na matiyak ang katumpakan at kalidad ng datos sa mga programang pangkalusugan ng lalawigan.
Saklaw ng isinagawang monitoring ang Adolescent Health Program, Field Health Services Information System (FHSIS), National Immunization Program (NIP), Maternal Health Program, at National Tuberculosis Control Program (NTP). Kabilang sa mga pangunahing gawain ang monitoring ng adolescent-friendly health facilities at pagbibigay ng technical assistance sa Bayan ng Bulalacao para sa Level 2 Accreditation at sa Oriental Mindoro Southern District Hospital (OMSDH) para sa Level 1 Accreditation. Isinagawa rin ang validation at reconciliation ng FHSIS at maternal health 2025 accomplishment reports, kasabay ng coaching at mentoring para sa pagpapalakas ng maternal health indicators. Sa ilalim ng National Immunization Program, binigyang-pansin ang cold chain equipment maintenance upang masiguro ang kalidad at bisa ng mga bakuna, habang sa National Tuberculosis Control Program ay isinagawa ang monitoring ng TB DOTS facilities at validation ng NTP 2025 accomplishment reports.
Ang mga aktibidad ay isinagawa sa Bulalacao, Bongabong, Mansalay, OMSDH, Roxas, Pinamalayan, Pola, Naujan, San Teodoro, at Baco bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng probinsya at mga lokal na pamahalaan para sa mas episyente at epektibong paghahatid ng serbisyong pangkalusugan.
Patuloy na nakikipagtulungan ang Provincial Health Office sa mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng dekalidad at sapat na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Mindoreรฑo.
.
.
.
.
๐ซ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ถ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐ ๐๐๐:
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐, ๐ณ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!![]()
