February 3, 2026 | News by PISD

๐๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฎ๐๐ฟ๐ฒ๐น, ๐ง๐ถ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ธ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ด๐ฟ๐ถ๐ธ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ
02 Pebrero 2026, Victoria – Pagtutuunan ng pansin ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatayo ng mga pasilidad at kagamitan na higit na magpapabuti sa produksyon, pagpoproseso at transportasyon ng mga produktong agrikultural sa lalawigan ng Oriental Mindoro.
Ito ang tiniyak ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kay Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor at sa mga Mindoreรฑo sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng Provincial Demonstration Farm at Oriental Mindoro Trading and Consolidation Facility (OMTCF) sa Merit, Victoria noong ika-02 ng Pebrero.
Kabilang sa ipagkakaloob ng DA ang itatayong Php. 200 M halaga ng cold storage sa 5,000 metro kwadradong lupa sa Provincial Demo Farm.
Bilang agarang tulong hangga’t hindi pa ito naisasakatuparan, magpapadala aniya ang kanyang tanggapan ng solar-powered modular cold storage upang magamit na pansamantalang pag-iimbakan ng mga produktong agrikultural.
Bukod pa dito ang ipinangako ni DA. Sec. Laurel Jr. na blast freezing facility para makapag-export ng mga value-added products sa Maynila o maging sa ibang bansa.
Plano rin ng DA na magtayo ng deepwater port sa matutukoy na lugar sa lalawigan upang mabilis na madala ang bulto-bultong naprosesong produkto sa labas ng lalawigan.
Samantala, kung maaaprubahan naman ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa pagbili ng mga truck, handa rin aniyang magkaloob ang DA sa mga munisipyo sa lalawigan ng Oriental Mindoro upang may magamit na panghakot ng mga produkto.
Ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa maigting na koordinasyon ni Gobernador Dolor kay Sec. Laurel sa layuning higit pang palakasin ang sektor ng agrikultura sa lalawigan at maihanda ang mga de-kalidad na naprosesong produkto para sa merkado.
