February 2, 2026 | News by PISD

𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗲𝗺𝗼 𝗙𝗮𝗿𝗺 𝘀𝗮 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮, 𝗣𝗶𝗻𝗮𝘀𝗶𝗻𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻
Pormal nang pinasinayaan ang 10.5 ektaryang Provincial Demonstration Farm ng Pamahalaang Panlalawigan sa Merit, Victoria ngayong ika-02 ng Pebrero.
Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor kasama sina Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Bise-Gobernador Antonio CA Jojo S. Perez Jr. ang naturang gawain.
Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisiskap ng Pamahalaang Panlalawigan na paunlarin ang sektor ng agrikultura at palakasin ang seguridad ng pagkain sa lalawigan.
Mayroon itong modernong pasilidad na magsisilbing sentro at modelo ng modernong paraan ng pagsasaka at pagpoproseso ng mga produkto gamit ang mga makabagong teknolohiya na inaasahang magpapalakas ng ani at kita ng mga magsasaka.
