Oriental Mindoro Consolidation and Trading Facility, bukas na

February 2, 2026 | News by PISD

๐—ข๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ผ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ผ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—•๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ

Pinangunahan ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kasama si Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor ang ribbon cutting ng Oriental Mindoro Consolidation and Trading Facility(OMCTF) sa loob ng Provincial Demonstration Farm sa Merit, Victoria ngayong ika-02 ng Pebrero.

Isa itong malaking hakbang upang alalayan ang mga magsasakang Mindoreรฑo sa kanilang mga inaaning produkto at tulungan kumita.

Sa pamamagitan ng pasilidad na ito, ang mga raw agricultural product na sobra at halos hindi na mabili sa iba’t ibang mga bayan ay bibilhin ng Pamahalaang Panlalawigan sa tama at makataong presyo.

Idadaan naman ito sa iba’t ibang serye ng pagpoproseso upang maging value added product na magbubunsod sa pagiging competitive ng lalawigan sa larangan ng agrikultura.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1ASj64fT5L/

Scroll to Top