February 2, 2026 | News by PISD

𝟭,𝟬𝟬𝟬 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗩𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝗶𝗮 𝗮𝘁 𝗦𝗼𝗰𝗼𝗿𝗿𝗼, 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 “𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗴𝗮𝘀, 𝗠𝗲𝗿𝗼𝗻 𝗡𝗮” 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗻𝗴 𝗗𝗔
Umabot sa 1,000 pamilya mula sa mga bayan ng Victoria at Socorro ang nakinabang sa ipinagbiling murang bigas sa halagang Php. 20.00 sa Provincial Demonstration Farm sa Merit, Victoria ngayong ika-02 ng Pebrero.
Ito ay bahagi ng programang “Benteng Bigas, Meron Na” ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI).
Sa ilalim ng programang ito, pangunahing benepisyaryo ang mga nasa vulnerable sector kabilang na ang mga senior citizen, solo parent, Persons with Disabilities (PWDs) at myembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
