January 31, 2026 | News by PISD

MAY POSIBLENG BAGYO SA PEBRERO? ![]()
![]()
Isang low pressure area (LPA) ang posibleng mabuo sa unang linggo ng Pebrero at may tsansang pumasok sa PAR, ayon sa mga paunang weather models. Unti-unti ring tumataas ang posibilidad na ito ay maging ganap na bagyo.
Base sa kasalukuyang pagtaya, maaari itong lumapit sa silangang bahagi ng Mindanao, pati sa Eastern Visayas at ilang lugar sa Bicol Region sa susunod na linggo.
Gayunpaman, maaga pa at maaari pang magbago ang direksyon at lakas nito, kaya’t patuloy itong mahigpit na binabantayan ng mga weather experts.
Kapag ito ay ganap na naging bagyo at pumasok sa PAR, ang susunod na itatalagang pangalan ay #BasyangPH.
-philippine weather
