January 29, 2026 | News by PISD

OPERATIONAL PERIOD BRIEFING | DAY 3 – PALARO ORIENTAL MINDORO SY 2025 – 2026
January 29, 2026 | 6:00 AM
Isinagawa ang Operational Period Briefing ngayong January 29, 2026, ganap na ika-6:00 ng umaga, bilang paghahanda para sa ikatlong araw ng Palaro Oriental Mindoro at upang tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na pagpapatupad ng mga aktibidad ng palaro. Tinalakay sa pagpupulong ang mga operational updates, deployment strategies, medical readiness at weather forecast.
Sa patuloy na pagtutulungan ng Provincial Government of Oriental Mindoro, ginamit ang Unified Command sa Palaro 2025 sa pangunguna ng PGOM IC Vinscent Gahol, MDRRMO Naujan IC Joery Geroleo at DepEd IC Carlo Malicsi kasama ang pwersa ng mga MDRRMOs, PNP, BFP, DepEd. Nananatiling pangunahing layunin ang isang ligtas, maayos, at matagumpay na Palaro Oriental Mindoro.
Sama-sama nating itaguyod ang kaligtasan, kahandaan, at tagumpay ng bawat laban!
