Pagpapalalakas ng mga kabataang atletang Mindoreรฑo, isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan

January 28, 2026 | News by PISD

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒรฑ๐—ผ, ๐—œ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป

Tuluy-tuloy ang ibinibigay na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga kabataang atletang Mindoreรฑo bilang bahagi ng pinalakas na programa sa sports development ng mga ito para maihanda sila sa mas malakihang kompetisyon tulad ng MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet at Palarong Pambansa.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Humerlito โ€œBonzโ€ A. Dolor sa kanyang mensahe sa opisyal na pagsisimula ng Palaro Oriental Mindoro 2026 kahapon, ika-27 ng Enero.

Nakatuon ang Pamahalaang Panlalawigan sa sapat at tamang training at maayos na disiplina ng mga atleta.

Sa ilalim ng inaprubahang budget ng Provincial School Board, ang bawat gold medalist na makakapasok sa MRAA ay bibigyan ng Php. 900.00 kada araw ng training bilang food allowance pati na rin ang kanilang trainer.

Mas malaking insentibo naman ang naghihintay para sa mga mananalo sa Palarong Pambansa. Ang mga bronze medalist ay bibigyan ng Php. 50,000.00, silver medalist ng Php. 100,000.00 at ang una namang magkakamit ng gintong medalya ang bibigyan ng Php. 500,000.00 mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

#TheCapitolNews

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DpxRtDn7d/

Scroll to Top