January 28, 2026 | News by PISD

๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ต๐๐๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ-๐๐๐ฒ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐๐ ๐ฝ๐น๐ฎ๐ป๐ป๐ถ๐ป๐ด, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐ข๐ฟ๐ ๐ถ๐ป.
28 Enero 2026, Lungsod ng Calapan – Higit na pagpapahusay ng pagpaplano at pagpapatupad ng land-use projects sa lalawigan at mga komunidad ang isinusulong sa pag-update ng Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) Guidelines.
Ito ang binigyang-diin ni DHSUD Environmental, Land Use, and Urban Planning and Development Bureau Director EnP Ibani C. Padao sa isinasagawang three-day pilot testing ng updated PDPFP draft sa Tree of Life Hotel, Brgy. Calero, Lungsod ng Calapan mula ika-27-29 ng Enero.
Napili ang Oriental Mindoro bilang sentro ng nasabing aktibidad na naglalayong tulungan ang mga lokal na pamahalaang mapabilis ang proseso at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran, mas maging malinaw ang direksyon ng pagpaplano sa mga itatayong proyekto, at mas mapadali ang pagtukoy sa mga lugar na epektibong pagtayuan ng mga proyektong angkop sa pabagu-bagong lagay ng panahon.
Katuwang sa pagsusulong nito ang ibaโt ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang DENR, DILG, DEPDev, DOF at DBM na alinsunod sa ilang programa ng DHSUD tulad ng PLANADO, TRANSCEND, UN-Habitat at SHIELD.
Dinaluhan naman ang aktibidad ng ibaโt ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan kabilang ang PPDO, PSWDO, PAgO, ProVet, PG-ENRO, PAssO, at PCDO.
