January 25, 2026 | News by PISD

25 Enero 2026, Baco – Inilunsad na ng Pamahalaang Bayan ng Baco ang opisyal na postcard design ng kanilang bayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng 105th Founding Anniversary ngayong araw, Enero 25.
Baco ang itinuturing na pinakamatandang bayan sa lalawigan.
Ang makasaysayang paglulunsad ay isinagawa sa pangunguna ni Mayor Allan A. Roldan, sa pakikipagtulungan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost), na pinangunahan ni PHLPost Area 4 Director Amadeo V. Tura.
Layunin ng opisyal na postcard na itampok ang mayamang kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng Bayan ng Baco, ang lokal na turismo at pambansang kamalayan sa pamamagitan ng koreo at sining.
Ito rin ay simbolo ng patuloy na ugnayan ng Baco at PHLPost sa pagsusulong ng lokal na pamana at pagdiriwang ng mahahalagang yugto sa kasaysayan ng naturang bayan.
(C) Baco LGU/ Mayor AR Roldan FB page https://www.facebook.com/share/p/186DyJYcce/
Source: https://www.facebook.com/share/p/1Biu91cheq/?mibextid=wwXIfr
